|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling ulat na ipinalabas kamakalawa ng World Health Organization (WHO), 4033 katao na sa buong daigdig ang namatay sa Ebola virus. Apat na libo't dalawampu't apat (4024) sa naturang mga namatay ay galing sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Bukod dito, natuklasan din ang mga kaso ng Ebola virus sa Nigeria, Senegal, Espanya, at Amerika.
Binigyang-diin ng WHO na buong sikap itong nagtatatag ng mga bagong pasilidad na medikal para lunasan ang mga nagkakasakit ng Ebola virus.
Samantala, ang mga pandaigdigang organisasyon na gaya ng World Food Programme (WFP) at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) ay nagkakaloob naman ng mga bagong gawaing panaklolo para sa paglaban sa epidemiyang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |