Luklukan ng Republikang Bayan ng Tsina sa UN, napanumbalik
(GMT+08:00) 2014-10-13 16:09:10 CRI
Noong taong 1949, pagkaraang maitatag ang Republikang Bayan ng Tsina, nagkaroon ito ng karapatang sumapi sa Pangkalahatang Asemblea ng UN, alinsunod sa mga katanggap-tanggap na regulasyong pandaigdig. Pero, dahil sa pagtutol at paghadlang mula sa Amerika at awtoridad ng Taiwan, napasakamay ng Taiwan ang luklukan ng Tsina sa UN.
Sa ilalim ng walang-tigil na pagsisikap ng Tsina at suporta mula sa dumaraming bansa sa daigdig, isang mosyon hinggil sa pagpapanumbalik sa lehitimong karapatan ng Tsina sa UN, ang iniharap ng mga miyembrong gaya ng Albania, Algeria at iba pa. Ang mosyon ay pinagtibay sa Ika-26 na UN General Assembly(UNGS), noong ika-25 ng Oktubre, 1971.
Noong ika-15 ng Nobyembre, 1971, dumalo ang Tsina, sa kauna-unahang beses, sa UNGS. Ipinahayag ng delegasyong Tsino ang pasasalamat sa mga mapagkaibigang katuwang na sumuporta sa pagbalik ng Tsina sa UN. Inilahad din ng Tsina sa UNGS ang paninindigan sa mga masusing isyung pandaigdig, at tinanggap ito ng mga bansa sa daigdig. Ang pagpapapanumbalik sa luklukan ng Tsina sa UN ay may pangmalayuang katuturan. Ito ay hindi lamang nagsilbing isang breakthrough sa diplomasya ng Tsina, kundi tagumpay din sa natamong bunga ng lahat ng mga bansang nagmamahal sa kapayapaan at nangangalaga sa katarungan ng daigdig.
May Kinalamang Babasahin
Comments