Ayon sa pahayag ng Ministring Pinansiyal ng Britanya, inilabas kahapon ng Pamahalaan nito ang sovereign bond ng RMB, salaping Tsino, na nagkakahalaga ng 3 bilyong yuan RMB o halos 327 milyong US Dollars.
Ang termino ng bond na ito ay tatagal nang tatlong taon, at ang interes rate nito ay umabot sa 2.7%.
Ayon sa naturang departamento, ang pagpapalabas ng sovereign bond ng RMB ay makakahikayat ng mas maraming pamumuhunan para sa pamilihan ng RMB. Bukod dito, ang kita na dulot ng bond ay ilalagay sa foreign exchange reserve ng Britanya.