Isinapubliko kahapon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "Instruksyon hinggil sa Pagbibigay-suporta sa Pagtatatag ng Sino-Singaporean Tianjin Eco-City Plan."
Tinukoy ng instruksyon na bilang priyoridad sa pagsasakatuparan ng naturang plano, dapat ilagay sa masusing puwesto ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal, para maisakatuparan ang target ng environmental protection, resource efficiency at social harmony at maitatag ang isang livable city na may umuunlad na produksyon, mayamang pamumuhay, at magandang kapaligirang ekolohikal. Ito rin ay para sa pagkakaroon ng karanasan sa pagpapasulong ng urbanisasyong may katangiang Tsino.
Hinihiling ng instruksyon na dapat pahigpitin ng pamahalaan ng Tianjin ang pamumuno sa takbong pagsasagawa ng naturang plano, pabutihin ang working mechanism, pahigpitin ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa Singapore para maisakatuparan ang naturang target sa nakatakdang panahon.