Nakipagtagpo kahapon sa Rome si Premiyer Li Keqiang ng Tsina kay José Graziano da Silva, Director-General ng UN Food and Agriculture Organization (UNFAO).
Pinapurihan ni Li ang pagsisikap ng UNFAO sa pangangalaga sa seguridad ng pagkain ng daigdig, pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig sa agrikultura, pagtataguyod sa pagbabawas sa kahirapan ng daigdig. Aniya, ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa, at mayroon pang mahigit 100 milyong mahihirap na tao. Puspusang nagsisikap aniya ang Tsina para malutas ang isyu ng kagutuman at kahirapan, at may kompiyansa ang Tsina na sariling makakatugon sa pangangailangan sa pagkain ng 1.3 bilyong populasyon ng bansa. Sinabi rin ni Li na nakahanda ang Tsina na ibayo pang palakasin ang koordinasyon at kooperasyon nila ng UNFAO.
Ipinahayag naman ni Graziano na nagbigay ang Tsina ng mahalagang ambag para sa pagpawi ng kagutuman at seguridad ng pagkain ng daigdig. Nakahanda aniya ang UNFAO na ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon nila ng Tsina para magkasamang mapatatag ang pamilihan ng pagkain ng daigdig at mapahigpit ang South-South Cooperation.
salin:wle