|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Vienna, kabisera ng Austria, sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, at Catherine Ashton, Komisyoner ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa mga suliraning panlabas at panseguridad, para pasulungin ang proseso ng talastasan hinggil sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.
Pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Zarif na maliwanag ang hidwaan sa pagitan ng Iran at Amerika at wala pang isang maayos na plano ng paglutas sa isyung ito.
Ipinahayag naman ni Kerry na kahit umaasa siyang malulutas ang isyung ito sa loob ng isang matiyak na panahon, nananatiling malaki pa rin ang hidwaan nila ng Iran.
Ngayong araw, sisimulan sa Vienna ang bagong round ng talastasan hinggil sa isyung ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |