Sa kanyang pagdalo sa Ika-10 Summit ng Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Milan, Italya, ipinatalastas kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ipagkakaloob ng Tsina sa mga bansa sa kanlurang Aprika na apektado ng epidemiya ng Ebola ang bagong round ng tulong na nagkakahalaga ng di-kukulangin sa 100 milyong yuan RMB.
Tinukoy din ni Li na ang epidemiya ng Ebola ay nagsisilbing malaking banta sa kalusugang pampubliko ng buong daigdig. Aniya pa, nakahanda ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na buong sikap na labanan ang sakit na ito.
Salin: Liu Kai