Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Idaraos dito ang ika-4 na China-ASEAN Forum on Dentistry mula ika-27 hanggang ika-28 ng kasalukuyang buwan.
Isinalaysay kahapon ni Liao Hongbing, Direktor ng Tanggapan ng Paghahanda ng naturang porum at Propesor ng Guangxi Medical University, na dahil sa kasalukuyang di-balanseng kalagayan ng pag-unlad ng dentistry sa mga bansang ASEAN, tatalakayin sa kasalukuyang porum ang mga kinauukulang elementong humahadlang sa pag-unlad ng nasabing larangan at mga katugong hakbangin. Hahanapin din sa porum ang kooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan, sa aspekto ng teknolohiyang klinikal, kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at pagpapalitang akademiko sa larangan ng dentistry.
Salin: Vera