|
||||||||
|
||
Sa Milan — Binuksan kahapon ang Ika-10 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit na dinaluhan ng mga lider mula sa mahigit 50 bansa't organisasyong pandaigdig ng Asya at Europa. Ang tema ng summit ay "Pagtatatag ng Responsableng Partnership, Pagpapasulong ng Sustenableng Paglaki at Seguridad."
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Herman Van Rompuy, Tagapangulo ng European Council, na kailangang itatag ng Asya at Europa ang mas mabisang mekanismo ng koneksyon at pag-uugnayan para mapalalim ang partnership ng dalawang panig.
Sa dalawang araw na pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang mga temang gaya ng pagpapalakas ng pag-uugnayan, pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pinansiya ng Asya at Europa, magkakasamang pagharap ng Asya at Europa sa mga isyung pandaigdig, pagpapalakas ng diyalogo at pagtutulungan ng Asya at Europa, at direksyon ng pag-unlad ng ASEM.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |