Kahapon ay kauna-unahang "Poverty Alleviation Day" ng Tsina. Nang araw ring iyon, nagpatawag si Pangulong Xi Jinping ng pambansang video conference hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.
Tinukoy ni Xi na ang pagpawi ng kahirapan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao, at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan ay esensyal na pangangailangan ng sosyalismo. Aniya, natamo na ng Tsina ang malaking bunga sa pagbabawas ng kahirapan, at sa susunod na yugto, dapat ibayo pang pakilusin ang puwersa ng iba't ibang aspekto ng lipunan, para patuloy at buong husay na isagawa ang gawaing ito.
Kaugnay naman ng gawain ng pagbabawas ng kahirapan, sinabi kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat patuloy na paunlarin ang mga mahihirap na lugar, at isagawa ang mga mas siyentipiko at epektibong hakbangin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.