Lumahok kahapon sa Milan, Italya, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa di-pormal na pulong ng Ika-10 Summit ng Asia-Europe Meeting (ASEM). Nakipaglitan siya ng palagay sa mga lider ng ibang bansa hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag ni Li na ang kapayapaan at katatagan ng Asya at Europa ay mahalaga para sa kapayapaan at katiwasayan ng daigdig. Kaya aniya, dapat igiit ng mga bansa ng dalawang kontinenteng ito ang mapayapang pag-unlad.
Tinukoy din ni Li na sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na banta na gaya ng armadong sagupaan, terorismo, malawak na pagkalat ng epidemiya, at iba pa. Aniya, dapat magtulungan ang iba't ibang bansa, para malutas ang mga isyung ito.