Ipininid kahapon sa Milan, Italya, ang Ika-10 Summit ng Asia-Europe Meeting (ASEM).
Ayon sa pahayag na ipinalabas pagkatapos ng summit, nagpalitan ng palagay ang mga kalahok na lider hinggil sa kabuhayan, pinansya, mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, mga tradisyonal at di-tradisyonal na banta, at iba pa.
Narating din nila ang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng diyalogong pampulitika, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang pang-edukasyon at pangkultura ng iba't ibang bansa ng ASEM.