Isinalaysay kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang hinggil sa bagong round ng tulong na ipagkakaloob ng Tsina sa mga bansa sa kanlurang Aprika na apektado ng epidemiya ng Ebola.
Sinabi ni Hong na batay sa pangakong ginawa ni Premyer Li Keqiang sa Summit ng Asia-Europe Meeting, magkakaloob ang Tsina ng bagong round ng tulong laban sa epidemiya ng Ebola, at ito rin ay ika-4 na round ng ganitong tulong ng Tsina.
Ani Li, kabilang sa tulong na ito ay 60 ambulansiya, 100 motorsiklo, at malaking bilang ng mga kagamitang medikal. Magpapadala rin aniya ang Tsina ng ilampung espesyalista, para tulungan ang mga bansa sa pagsanay ng mga tauhang medikal na nakatuon sa Ebola.