|
||||||||
|
||
Mula ika-16 hanggang ika-17 ng buwang ito, idinaos sa New Delhi, India, ang pulong ng Tsina at India hinggil sa pagsasanggunian at pagkokoordinahan sa mga isyung panghanggahan.
Lumahok sa pulong na ito ang mga opisyal ng mga departamentong panlabas at pandepensa ng dalawang bansa.
Nagpalitan ng palagay ang mga opisyal ng dalawang panig hinggil sa kasalukuyang kalagayan sa lugar panghanggahan. Sumang-ayon din sila sa pagpapahigpit ng kanilang kooperasyon para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa lugar na nabanggit.
Bukod dito, sumang-ayon din ang dalawang panig sa pagtatatag ng mekanismo ng regular na pagtatagpo ng mga hukbo ng dalawang bansa para ibayo pang palalimin ang pagtitiwalaan at pag-uugnayan ng militar ng dalawa sa isyung panghanggahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |