|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon ang ika-6 na "Love Sees No Boundaries" Charity Bazaar sa Chaoyang Park, Beijing.
Ang bazaar ng taong ito ay idinaos sa ngalan ni Qian Wei, asawa ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina. At lahat ng kikitain sa nasabing bazaar ay ibibigay sa mga mahirap na batang may sakit sa puso sa lalawigang Guizhou ng Tsina. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Wang Yi at mahigit 110 kinatawan mula sa mga dayuhang embahada at pandaigdig na organisasyon.
Sa kanyang talumpati pinarating ni Qian Wei ang pagbati ng kanyang asawa sa pagkatig ng mga embahada at organisasyon sa charity. Aniya, ang congenital heart disease ay pinakagrabeng congenital disease, at ang lalawigang Guizhou sa dakong Timog Kanluran ay isa sa mga pinakamahirap na purok ng Tsina.
Siyamnapu't dalawang (92) embahada at pandaigdig na organisasyon at 14 habay-kalakal ang lumahok sa charity bazaar.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |