Ayon sa kapasiyahan ng Pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), idaraos sa Beijing ang Ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Lupong Sentral ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC mula ngayong araw hanggang ika-23 ng kasalukuyang buwan. Ang layon ng pulong ay talakayin ang isyu tungkol sa komprehensibong pagpapasulong ng pamamahala sa estado alinsunod sa batas. Ito ang isang napakalaking pangyayari sa proseso ng pag-unlad ng pulitika at reporma ng Tsina.
Ipinalalagay ng opinyong publiko na sa kasalukuyang Tsina, ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay hindi na mapipigilan, at hindi rin dapat antalahin ang pamamahala sa estado, alinsunod sa batas. Tinukoy ng mga tagapag-analisa na lubos na kailangang gamitin ng Tsina ang sistema para mapasulong ang paglaban sa korupsyon. Ang sistema anila ay dapat maging mahalagang puwersang tagapagpasulong sa pagpapatatag ng lipunan, pagpapasulong ng kabuhayan, at pagpapalalim ng reporma.
Salin: Li Feng