Ayon sa Thai media kahapon, noong gabi ng Linggo, pumunta sa Hapon si Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand, para makipagkita sa kanyang kapatid na lalaki na si Thaksin Shinawatra. Kaugnay nito, ipinahayag ni Prayuth Chan-ocha, PM ng Thailand, na inaprobahan ang naturang biyahe ni Yingluck. Ngunit, hindi isiniwalat ng media kung kailan babalik si Yingluck sa Thailand.
Sapul nang magbitiw si Yingluck noong nagdaang Mayo, ito ang kanyang ikalawang beses na pag-aalis ng Thailand.
Salin: Li Feng