Kilala ang World Trade Organization (WTO) sa dati nitong pangalang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), at ang Tsina ay isa sa mga founder at signatory bansa ng GATT. Dahil sa dahilang pangkasaysayan, itinigil ang opisyal na relasyon ng Tsina at GATT. Noong Hulyo ng 1986, opisyal na humingi ang Tsina na panumbalikin ang katayuan nito bilang signatoryong bansa ng GATT. Noong Enero ng 1995, pagkaraang itatag ang WTO, muling lumahok sa working group ng pagsapi ng WTO ang working group ng pagpapanumbalik ng Tsina sa GATT. Sa talastasang ito, palagiang iginigiit ng Tsina ang tatlong prinsipyo; una, bilang isang organisasyong pandaigdig, hindi kompleto ito kung wala ang Tsina. Ikalawa, sumapi ang Tsina sa WTO bilang isang umuunlad na bansa. Ikatlo, dapat mabalanse ang karapatan at tungkulin ng Tsina kung sasapi ito sa WTO.
Noong ika-11 ng Disyembre, 2011, opisyal na sumapi ang Tsina sa WTO, at naging ika-143 miyembro. Nagkakaisa ang target ng pagsapi sa WTO, reporma at pagbubukas sa labas, at pagtatatag ng sistema ng sosyalistang kabuhayang pampamilihan. Pagkaraang sumapi sa WTO, mahigpit na sinunod ng Tsina ang tadhana, mataimtim na tinupad ang pangarap, at binigyan ng ambag ang pag-unlad ng sistema ng multilateral na kalakalan, at kabuhayan at kalakalan ng daigdig.
Salin: Andrea