"Walang-duda ang pamimilit na ginawa ng Hapon sa mga kababaihang Asyano na maging 'comfort women,' at ito ay krimeng lumabag sa sangkatauhan na ginawa ng militarismong Hapones sa World War II." Ito ang ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagpahayag kamakalawa ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ng Hapon na hindi totoo ang pamimilit ng Hapon sa mga comfort women.
Ayon sa ulat, nang sagutin ni Yoshihide Suga kamakalawa ang mga tanong mula sa Upper House's Cabinet Committee hinggil sa pagkilala ni dating Chief Cabinet Secretary Kono Yohei sa isyung comfort women sa "Kono Statement" sa isang preskon, noong 1993, itinanggi niya ang pahayag ni Kono Yohei. Ipinahayag ni Suga na magsisikap siya para panumbalikin ang reputasyon at kredibilidad ng kanyang bansa. Samantala, inulit din niyang walang intensyon ang kasalukuyang pamahalaang Hapones na susugan ang "Kono Statement."
Ipinahayag ng Tagapagsalitang Tsino ang solemnang representasyon na taos-pusong tupdin ng Hapon ang pangako at ganap na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan ng militarismo para matamo ang pagtiwala mula sa mga bansang Asyano at kumunidad ng daigdig.