Ayon sa Korean Central News Agency, sa isang pahayag na ipinalabas ng Hilagang Korea, sinabi nitong ang relasyon ng Hilaga at Timog Korea ay kasalukuyang nasa pagitan ng diyalogo o digmaan. Hinimok nito ang Timog Korea na itigil ang pagsasagawa ng mga probokatibong aksyon.
Anang pahayag, paulit-ulit na nagsasagawa ang kabilang panig ng mga probokatibong aktibidad sa mga sensitibong rehiyong militar. Anito, pinagdududahan ng Hilagang Korea ang katapatan ng Timog Korea para sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang panig.
Noong ika-7 ng buwang ito, nagpalitan ng putok ang dalawang panig sa karagatang malapit sa gawing kanluran ng Peninsula ng Korea.