Ipinahayag kahapon ni Marie Harf, Tagapagsalita ng Konseho ng Estado ng Amerika ang pagtanggap sa pagpapalaya ng Hilagang Korea sa hostage na Amerikano na si Jeffrey Edward Fowle. Aniya, hindi ito naging sapat sa komprehensibong pagpapabuti sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa rin ang Amerika na makikita ang positibong aksyon ng H.Korea sa ibang mga larangan, lalo na sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, dagdag pa niya.
Kinumpirma kamakailan ng Amerika ang pagpapalaya ng H.Korea sa nasabing Amerikano. Samantala, dalawa pang Amerikano ang nakabilanggo pa sa H.Korea.