Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Gfk, isang market research company ng Alemanya, dahil sa mabentang-mabenta ang mga murang smart phone mula sa Tsina, nitong 12 buwang nakalipas hanggang Agosto, lumaki nang 44% ang pagbebenta ng mga smart phone sa Timogsilangang Asya kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon sa ulat ng Gfk, ipinagbibili ang mga smart phone mula sa 345 brands na Tsino sa pamilihan ng Timogsilangang Asya. Ang presyo ng karamihan ng mga Chinese phone ay mula 50 hanggang 200 dolyares, ang karaniwang presyo ng mga ito ay mas mura nang 58% kumpara sa mga pandagidig na brand.
salin:wle