|
||||||||
|
||
IPADADALA ng Armed Forces of the Philippines ang isang liham sa Embahada ng Alemanya sa Maynila at sa Bureau of Immigration hinggil sa kakaibang pag-aasal ng isang Alemang nagpakilala sa pangalang Marc Sueselbeck.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, tagapagsalita ng AFP, kahapong ika-apat ng hapon, umakyat sa bakod at pumasok sa isang off-limits area, sa Mutual Defense Board – Security Engagement Board, na kinalalagyan ni PFC Pemberton.
Nilabag ni Sueselbeck ang Presidential Decree No. 1227, ang batas na nagpaparusa sa labag sa batas na pagpasok sa alin mang base militar sa Pilipinas.
Nanulak pa si Sueselbeck ng isang bantay, ang on-duty Filipino soldier na nagbabantay sa pasilidad. Puersehan niyang itinulak ang kawal matapos siyang umakyat sa bakod.
Nais ng AFP na mabatid ang tunay na pagkatao ni Sueselbeck sa tulong ng Embahada ng Alemanya. Ikinagulat umano ng mga autoridad ang naging asal ni Sueselbeck.
Ipinaliwanag ni Col. Cabunoc na ang sinumang banyagang dadalaw sa Pilipinas ay nararapat lamang sumunod sa mga batas ng bansa. Tutugon ang AFP sa pangyayari ayon sa itinatadhana ng batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |