ISANG volcanic earthquake at isang pagguho ng mga bato ang napuna ng mga dalubhasa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa nakalipas na 24 na oras sa Bulkang Mayon.
Hindi napuna ang pamumula ng bibig ng bulkan kagabi samantalang nakita ang puting usok na patungo sa timog-kanluran. Ang sulfur dioxide ay umabot lamang sa 120 tonelada sa bawat araw.
Humupa na ang pamamaga ng bulkan kahit pa mas malaki ito kaysa sukat na ginawa noong Agosto. Na sa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang bulkan.