DUMATING sa Maynila ang USS George Washington para sa isang routine port call. Kasunod ito ng sigalot na kinasangkutan ng isang US Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton na akusado sa pagpatay sa isang Filipino sa Olongapo City kamakalawa ng Sabado.
Ang barkong ito ang isa sa mga barko ng Estados Unidos na tumugon sa pangangailangan ng Pilipinas matapos hagupitin ng bagyong "Yolanda". Nagdala sila ng may 335,000 litro ng tubig, 36,360 kilo ng pagkain at supply upang mapakinabangan ng mga biktima.
Inilunsan noong ika-apat ng Hulyo, 1992, ang Nimitz-class na aircraft carrier ang ika-apat na barkong nagtaglay ng pangalan at itinalaga sa 7th Fleet area of operations at may punong himpilan sa Yokosuka, Japan. Pinamumunuan ito ni Capt. Greg Fenton samantalang ang mga eroplano nito ay pinamumunuan ni Capt. William Koyama at may 5,550 magdaragat na kinabibilangan ng may 320 Filipino-American.