|
||||||||
|
||
Pagkaraang magdulot ng alitan sa pagitan ng Malaysia at Indonesia ang pagtatayo ng una ng isang lighthouse sa kanlurang pampang ng Kalimantan, giniba kamakalawa ng panig Malay ang naturang lighthouse.
Ayon sa pahayag sa Metro TV ng komander ng Rehiyong Militar ng Tanjung Pura, Indonesia, humingi na ng paumanhin ang panig Malay sa pamahalaang Indonesian. Pero ayon naman sa pahayagang "Jakarta Globe," hindi pa sigurado kung nagharap ba o hindi ng pormal na paumanhin ang panig Malay.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |