Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan dito kahapon ang Linggo ng Drama ng Tsina at ASEAN sa taong 2014. Ito ay isa sa serye ng mga aktibidad sa buong taon hinggil sa pagpapalitang kultural ng Tsina at ASEAN.
Sa kanyang talumpati kagabi sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Tian Wendong, Bise Mayor ng Nanning, na ang pagdaraos ng linggo ng drama ay nagkakaloob ng isang plataporma para sa pagkakaibigan at pagpapalitang kultural. Aniya, ibayo pang pasusulungin ng naturang aktibidad ang pagpapalitan ng Nanning at ASEAN, at ipapakita ang kaakit-akit na katangian ng sining ng drama.
Salin: Vera