Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing sa pangulo ng Tanzania, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magkakaloob ang kanyang bansa ng ikaapat na round ng tulong sa mga bansa sa kanlurang Aprika na apektado ng epidemiya ng Ebola.
Sinasanay ng mga espesyalistang Tsino ang mga lokal na tauheng medikal sa Sierra Leone (File photo)
Ayon sa salaysay, ang kabuuang halaga ng naturang round ng tulong ay aabot sa 500 milyong yuan RMB. Ipagkakaloob ng Tsina sa tatlong bansang may epidemiya ng Ebola na kinabibilangan ng Liberia, Sierra Leone at Guinea ang mga ambulansiya, motorsiklo, kagamitang medikal, at iba pang tulong na materyal, at ipapadala rin ang mga espesyalista para sa pagsanay ng mga tauhang medikal na nakatuon sa Ebola. Bukod dito, itatayo ng Tsina sa Liberia ang isang medical center, at iaabuloy ang anim na milyong Dolyares sa trust fund ng UN laban sa Ebola.
Kaugnay nito, ipinahayag naman kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang naturang mga tulong ng Tsina ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kinauukulang bansa sa pagharap sa epidemiya ng Ebola, at pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo ng pagpigil at pagkontrol sa sakit na ito.