Magkakahiwalay na nagpulong kahapon ang Konseho ng Estado, Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) ng Tsina, para pag-aralan ang "rule of law" na iniharap sa ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa pulong ng Konseho ng Estado, sinabi ni Premyer Li Keqiang na para mapasulong ang administrasyon ng pamahalaan alinsunod sa batas, dapat patuloy na baguhin ang mga tungkulin ng pamahalaan, kumpletuhin ang decision-making mechanism ng pamahalaan alinsunod sa batas, at ayusin ang karapatan ng iba't ibang departamento ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.
Sa pulong naman ng NPC, sinabi ni Tagapangulo Zhang Dejiang ng Pirmihang Lupon ng NPC, na bilang pinakamataas na organo ng kapangyarihan ng estado, mahalaga ang responsibilidad ng NPC sa aspekto ng "rule of law." Aniya, dapat ibayo pang palakasin at pabutihin ng NPC ang mga gawain ng lehislasyon, pagpapatupad ng batas, at iba pa.
Sa pulong naman ng CPPCC, sinabi ni Tagapangulo Yu Zhengsheng na dapat ipatupad ang "rule of law" sa iba't ibang gawain ng CPPCC, at ibayo pang patingkarin ang papel ng CPPCC sa pagsusuperbisa kaugnay ng "pangangasiwa sa mga suliranin ng estado alinsunod sa batas."