Binigyan ng mga pandaigdig na media ng positibong pagtasa ang "rule of law" na iniharap sa katatapos na ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sinabi ng mga media na ang "rule of law" ay naging pangunahing paksa, sa kauna-unahang pagkakataon, ng sesyong plenaryo ng CPC. Anila, ang mga target na itinakda sa sesyong ito ay magdudulot ng komprehensibo at pangmalayuang epekto sa sistemang pambatas ng Tsina, para maging mas maayos at makatarungan ang sistemang ito. Ipinalalagay din ng mga media na ang pagbibigay-halaga ng CPC sa "rule of law" ay para patuloy na palalimin ang reporma, pasulungin ang konstruksyon ng may-kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, ibayo pang paunlarin ang kabuhayan, at palakasin ang paglaban sa korupsyon.