|
||||||||
|
||
Sa Ika-11 Pulong ngayong araw ng Ika-12 Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), susuriin ang "Batas sa Paglaban sa Terorismo ng Republika ng Bayan ng Tsina." Sa panukalang ito, nakapaloob ang pagtatatag ng Pambansang Sentro ng Impormasyon hinggil sa Paglaban sa Terorismo, at Mekanismo ng Pagpapalitan ng Impormasyon sa Pagitan ng mga Departamento ng Pamahalaan.
Sa kasalukuyan, mahigpit at masalimuot ang situwasyon ng paglaban ng Tsina sa terorismo. Lumitaw din ang mga bagong tunguhin sa mga marahas at teroristikong aksyon sa bansa. Dahil dito, may mga bagong progreso sa mga gawain ng bansa sa nasabing usapin.
Sa harap ng kasalukuyang mahigpit at masalimuot na situwasyon, kailangang balangkasin ng Tsina ang isang espesyal na batas ng paglaban sa terorismo, at kailangan ding kumpletuhin ang sistemang pambatas ng Tsina sa paglaban sa terorismo.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |