|
||||||||
|
||
DALAWANG mambabatas ang humiling na siyasatin ang posibilidad na nagkaroon ng arsenic ang bigas. Makasasama umano ito sa kalusugan ng mga mamamayan.
Hiniling ni Congressman Rufus B. Rodrivuez ng Cagayan de Oro na ang arsenic ay nakalalason na maaaring matamo ng lahat ng halaman, partikular sa mga gulay, bigas, mansanas at maging sa grape juice at ilang lamangdagat.
Ang mga taong magkakaroon ng arsenic sa katawan sa pamamagitan ng pagkain at tubig, partikular sa mga pook na ang tubig sa ilalim ng lupa ay maaaring nagkaroon ng arsenic sa paglipas ng panahon.
Kasama niya si Congressman Maximino B. Rodriguez, Jr. ng Abante Mindanao sa pagpapadala ng House Resolution 1548 sa liderato ng kamara, ang nananawagan sa Committee on Agriculture and Food upang magsagawa ng imbestigasyon sa isyu.
Napapaloob sa resolusyon ang pagpapatawag sa mga dalubhasa sa Department of Agriculture, Office of the Presidnetial Adviser on Food Security, Codex Alimentarius Commission, Food and Agiruclture Organization at maging sa World Health Organization at Ecowaste Coalition Project Protect.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |