Nang kapanayamin kamakailan ng media sa Tokyo, isinalaysay ni Felicidad De los Reyes, 86-taong-gulang na Pilipina at biktimang "comfort woman" ng tropang Hapones noong World War II, ang kanyang karanasan bilang babaeng parausan. Hiniling din ni De los Reyes sa pamahalaang Hapones na humingi ng paumanhin at magbigay ng kompensasyon sa mga buhay na kababaihang inabuso ng sundalong Hapones noong panahon ng digmaan.
Bago gawin ang interview na ito, sinabi naman kamakailan ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga ng Hapon, na wala pang katibayan sa pagpipilit ng tropang Hapones sa mga babae na maging "comfort women" noong WWII. Kaugnay nito, sinabi ni De los Reyes na walang katotohanan ang pananalita ni Suga, at siya nga ay buhay na saksi sa naturang krimen ng panig Hapones.
Salin: Liu Kai