Mula unang araw ng Nobyembre, isang regular na rutang panghimpapawid ang magbubukas sa pagitan ng Singapore at Nanning, kabisera ng Guangxi Autonomous Region, Tsina. Isasabalikat ang nasabing tungkulin ng Tiger Airways ng Singapore.
Ayon sa ulat, nakatakdang ialok ng nasabing ruta ang dalawang round trip flights, kada linggo.
Ang Tiger Airways ng Singapore ay naitatag noong Disyembre, taong 2003. Ang pagbubukas ng naturang ruta ay magdudulot ng maginhawang serbisyo at mas murang gastos sa mga pasahero.