Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na sa pamamagitan ng tsanel ng Panmunjom, at sa ngalan ng punong kinatawan ng Timog Korea sa pag-uugnayan sa mataas na antas ng Timog at Hilagang Korea, ipinadala kahapon ng Pamahalaang Timog Koreano ang memo sa panig Hilagang Koreano para himukin ang huli na bago bukas, ipaliwanag ang posisyon nito tungkol sa mungkahi ng Timog Korea na idaos bukas ang ika-2 round ng nasabing pag-uugnayan.
Ayon sa naturang ministri, noong ika-11 ng Agosto at ika-13 ng Oktubre, magkasunod na iniharap ng Timog Korea ang mungkahing idaos ang pag-uugnayan sa mataas na antas ng Timog at Hilagang Korea. Ngunit nagpahayag ang Hilagang Korea ng di-malinaw na atityud sa iba't-ibang uri ng katuriwang panlabas. Ipinalalagay ng Timog Korea na ang nasabing atityud ng Hilagang Korea ay hindi makakabuti sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Salin: Li Feng