|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
WALANG basehan ang akusasyon sa kanya ng isang dating consultant na kanyang pinatalsik dahilan sa paggamit ng kanyang social media accounts upang siraan ang ilang mga politiko.
Ito ang sagot ni Senate President Franklin M. Drilon sa akusasyong may kinalaman sa pagtatayo ng Iloilo Convention Center. Batid umano niya na masama ang loob ni Manuel Mejorada sa pagpaaptalsik na kanyang ginawa at pagtangging i-endorso para sa ilang posisyon sa pamahalaan.
Gawa-gawa lamang ni Mejorada ang mga bintang at walang anumang impormasyon o pagkakaalam sa proyekto at tanging mga maling datos at impormasyon ang kanyang tangan.

WALANG BASEHAN ANG AKUSASYON. Masama lamang ang loob ni Manuel Mejorada sa pagkakatanggal sa trabaho. Ito ang tugon ni Senate President Franklin M. Drilon sa akusasyong graft at plunder laban sa kanya. (File photo/Melo M. Acuna)
Matatapos ang gusali sa Marso 2015 at walang anumang overprice sapagkat ang Iloilo Convention Center ay nagkakahalaga ng P 63,893.11 sa bawat metro kwadrado. May taas umano itong 28 metro at walang anumang haligi at tanging long span beams at glass curtain walls ang ginamit.
Sinunod umano nila ang mungkahi ni Secretary Rogelio Singson. Kilala umano si G. Singson sa kanyang integridad.
Bahagi umano ito ng paghahanda para sa nalalapit na 2015 Asia Pacific Economic Cooperation ministerial meetings.
Idinagdag pa ni Senador Drilon na walang kredibilidad si G. Mejorada na dati niyang media officer.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |