|
||||||||
|
||
ANG mga kawal na mula sa Liberia ay mapapasailalim ng kwarantina sa Armed Forces Peacekeeping Operations Center sa Capas, Tarlac sa kanilang pagbabalik sa bansa ngayong darating na buwan.
Ayon kay Armed Forces Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr., ang mga kawal na nasa PKOC ay ililipat na pansamantala sa ibang tanggapan samantalang mayroong medical check-up ang mga kawal.
Ang kampo ay nasa Camp O'Donnel na siyang himplan ng Mechanized Infantry Division at Training and Doctrine Command.
Sinabi naman ni Col. Roberto Ancan, chief ng Armed Forces Peacekeeping Operations Center, na ang mga kawal ay dadalhin sa kanilang satellite office sa Campo Aguinaldo. Darating ang mga kawal sakay ng isang chartered flight mula ika-sampu hanggang ika-14 ng Nobyembre.
Idinagdag ni Col. Ancan na maayos pa naman umano ang kalusugan ng mga kawal na Filipino sa Liberia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |