Ipinalabas ngayong araw ng China-ASEAN Business Council (CABC) ang Quarterly Report on China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Ayon sa ulat, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, umabot sa halos 346.6 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at lumaki ito ng 7.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang paglaking ito ay mas mabilis nang dalawang beses kaysa paglaki ng kalakalan ng Tsina sa buong daigdig.
Pagdating sa mga detalyadong bilang ng kalakalan ng Tsina at ASEAN noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, mahigit 192.6 bilyong Dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Tsina na lumaki ng 9.3% at mahigit 153.9 bilyong Dolyares naman ang pag-aangkat ng Tsina na lumaki ng 5.3%.
Salin: Liu Kai