Sa Quarterly Report on China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) na ipinalabas nito ngayong araw, iniharap ng China-ASEAN Business Council (CABC) ang anim na mungkahi hinggil sa pag-u-upgrade ng CAFTA.
Iminungkahi ng CABC na dapat pabilisin ang pag-aaral sa pag-u-upgrade ng CAFTA, igiit ang prinsipyo ng pagdudulot ng pakinabang sa mga bansang ASEAN, muling isagawa ang "early harvest plan," patingkarin ang mga bentahe ng dalawang panig, pasiglahin ang paglahok ng sirkulong industriyal at komersyal, at isaalang-alang ang interes ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai