Sinabi kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na may karapatan ang iba't-ibang bansa na piliin ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na angkop sa kani-kanilang kalagayang pang-estado, at dapat ding igalang ng iba't-ibang bansa ang pagpili ng ibang bansa.
Idinaos nang araw ring iyon ng kinauukulang komisyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN ang pangkalahatang debatehan tungkol sa tema ng karapatang pantao. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na kaugnay ng pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, naninindigan ang Tsina na ipagtanggol ang kapayapaang pandaigdig. Kung mapangangalagaan ang kapayapaan, mapipigilin ang digmaan, mawawala ang karahasan at sagupaan, at maigagarantiya ang karapatang pantao, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng