Sa paanyaya ng Komisyon ng Edukasyon ng Tianjin, Tsina, binuksan kahapon sa Tianjin International Chinese College ang training workshop ng wikang Tsino para sa mga mataas na opisyal ng pamahalaang Malay. Dumalo sa pag-aaral ang 17 opisyal mula sa Ministri ng Unipikasyon ng Tanggapan ng Punong Ministro, Pambansang Kawanihan ng Wikang Malaysian, at iba pang departamento.
Sa kanilang 8-araw na pananatili sa Tianjin, tatanggapin ng naturang mga opisyal ang sistematiko't istandartisadong pagsasanay sa oral Chinese, at malalimang malalaman ang kulturang Tsino sa pamamagitan ng mga kursong gaya ng calligraphy, moon-shaped fan, paper cutting at iba pa.
Salin: Vera