Kaugnay ng kaso ni dating Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, kaugnay ng pagpapatupad ng patakaran ng rice mortgage na nagdulot ng halos 50 bilyong Baht na kapinsalaang pangkabuhayan sa bansa, iniharap kamakailan ng National Anti-Corruption Commission ng Thailand ang mosyon hinggil sa pagsasakdal sa kanya. Tinanggap na ng Pambansang Asembleyang Lehislatibo ang naturang mosyon, at inilakip ito sa agenda ng pagsusuri nito sa ika-12 ng Nobyembre.
Sinabi kahapon ni Pornphet Vichitcholchaim, Ispiker ng naturang asembleya na ang akusasyon ng National Anti-Corruption Commission kay Yingluck Shinawatra ay iniharap batay sa konstitusyon ng Thailand noong 2007.
Salin: Vera