Ipinahayag kahapon ni Jiang Wei, Puno ng Tanggapan ng Namumunong Grupo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa Reporma sa Sistemang Hudisyal, na sa ika-4 na Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral na CPC, maraming mahalagang hakbangin ang ipinalabas sa larangan ng katarungan, lalung-lalo na hinggil sa reporma sa sistema ng administrasyong hudisyal, at mekanismo ng kapangyarihang hudisyal. Dagdag niya, ang mga hakbanging ito ay nagpapakita ng pangangailangan ng buong lipunan sa katarungang hudisyal, at hangarin sa pagpapalalim ng reporma sa sistemang hudisyal.
Binigyang-diin din ni Jiang, na itinatatag ng Tsina ang sistemang pambatas na angkop sa kalagayan ng bansa. Aniya, sa kasalukuyan, positibo ang daigdig sa paraan ng Tsina hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at nananalig siyang kikilalanin din ng daigdig ang paraan ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng sistemang pambatas.
Salin: Liu Kai