Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, 33 araw na ang nakakalipas, pero nananatili pa rin ang ilegal na "Occupy Central" sa Hongkong.
Ipinahayag kahapon ng Kapulisan ng Hongkong na nakisangkot sa pagrarali sa Mongkok ang masasamang elemento para lumikha ng kaligaligan, at sinusulsulan nila ang mga demonstrador na magsuot ng maskara para maiwasan ang parusa ng batas. Umaasa ang Kapulisan na hindi makikisangkot ang mga demonstrador sa mga marahas na aksyong iniorganisa ng masasamang elemento.
Tinukoy din ng Kapulisan na ang ilegal na pagsakop sa lansangan ay hindi lamang makakapinsala sa katarungan, kundi makakaapekto rin sa pamumuhay ng mga taga-HK. Dagdag pa nito, kung magpapapatuloy ang "Occupy Central," makakasama ito sa pangmalayuang interes ng HK.