Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtataguyod ng kanyang bansa ng pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay naglalayong mangalak ng mas maraming pondo para sa konstruksyon ng imprastruktura sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, at sa gayon, ibayo pang pasulungin ang kabuhayan ng rehiyong ito.
Tinukoy ni Hong na maraming bansa ang kumakatig sa pagtatatag ng AIIB at mainit na tinatanggap ng Tsina ang paglahok ng mga bansa sa bangkong ito. Pero aniya, ang paglahok sa bangkong ito ay depende sa kahandaan ng iba't ibang bansa, at bukas ang Tsina sa isyung ito.