Sa ngalan ng mga sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Amerika, ipinalabas kahapon ng China Chamber of International Commerce at United States-China Business Council ang magkasanib na pahayag bilang pananawagan sa mga pamahalaan ng dalawang bansa na lubos na pahalagahan ang kasunduan sa bilateral na pamumuhunan, pabilisin ang pagsasanggunian hinggil sa kasunduang ito, at marating ang isang de-kalidad na kasunduan.
Ipinahayag ng naturang dalawang samahan na malaki ang potensyal ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa bilateral na pamumuhunan, at ang kanilang pamumuhunan sa isa't isa ay magpapatingkad ng napakalaking papel para sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa hinaharap. Anila pa, mahalaga ang kasunduan sa bilateral na pamumuhunan ng Tsina at Amerika, dahil magkakaloob ito ng mas magandang balangkas sa malusog na pag-unlad ng pamumuhunan ng dalawang bansa.