Idinaos kahapon, sa kauna-unahang pagkakataon, ang round-table meeting ng limang panig ng Myanmar, na kinabibilangan ng pamahalaan, parliamento, militar, lupong elektoral, at mga pangunahing partido, para talakayin ang pambansang rekonsilyasyon at prosesong pangkapayapaan at pandemokrasya ng bansa.
Sa preskon pagkatapos ng pulong, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo ng Myanmar, na ipinalalagay ng iba't ibang panig na ang pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan ay mahalaga para sa pag-unlad ng bansa. Sinang-ayunan nilang lutasin ang mga isyung pulitikal sa pamamagitan ng paraang pulitikal, at susugan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng parliamento.