Sinabi kahapon ni David Nabarro, Espesyal na Sugo ng UN sa isyu ng Ebola, na bagama't humupa ang epidemiya ng Ebola sa ilang lugar ng kanlurang Aprika, hindi pa rin dapat maging kampante sa paglaban sa sakit na ito. Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na patuloy na magsikap para ganap na makontrol ang epidemiya ng Ebola.
Sa isang may kinalamang ulat, narating kamakalawa ng Tsina at Sierra Leone ang kasunduan hinggil sa pagbibigay-tulong ng una sa huli para sa pagtatayo ng isang fixed biosafety laboratory. Kasama ng isang mobile biosafety laboratory na ipinagkaloob, nauna rito, ng Tsina, ang dalawang laboratoryong ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng Sierra Leone sa sistema ng kalusugang pampubliko, at pagpapalakas ng kakayahan sa pagpigil at pagkontrol sa mga sakit na gaya ng Ebola.