|
||||||||
|
||
Pormal na nanungkulan kahapon si Jean- Claude Juncker, Dating Punong Ministro ng Luxemburg, bilang bagong Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU).
Ipinahayag niya na sa kanyang limang taong termino, pamumunuan niya ang bagong komisyon ng EU para buong sikap na lutasin ang mga hamon sa mga larangan ng kabuhayan, diplomasya, at suliraning panloob.
Sa larangang pangkabuhayan, kinakaharap aniya ng EU ang mga hamon ng pandaigdigang krisis pinansiyal at sovereign debt crisis ng mga bansang Europeo.
Sa larangang diplomatiko, kinakaharap ng EU ang krisis ng Ukraine at paglalala ng relasyon sa Rusya.
Sa larangan ng mga suliraning panloob, unti-unting nawawalan ng tiwala at pasensiya ang mga mamamayan sa mga organo ng EU.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |