|
||||||||
|
||
Nagmulang tumulong ang CRS sa Plipinas noon pa mang 1945 at ngayo'y nakatuon sa disaster preparedness, recovery, agro-enterprise at peace-building.
Pinapanatili ng CRS ang dignidad ng mga nangangailangan, makakabangon ang mga ito sa kinasasadlakang kalagayan. Nakatulong na sila sa may 40,000 pamilya na binubuo ng may 200,000 katao at sa pakikipagtulungan sa Caritas partners.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sa larangan ng emergency shelter at household relief items, nakapagbigay na sila ng mga kailangan sa may 43,000 pamilya.
Mayroon na ring access sa ligtas na tubig na maiinom ang may 35,000 pamilya sa unang siyam na buwan matapos tumama si "Yolanda." May nailabas na rin silang salapi sa paglilinis ng mga lansangan para sa may 41,500 work days. Samantala, naglabas din ng salapi ang CRS para sa 2,800 magsasaka na linisin nila ang kanilang mga bukirin at nakapagbigay na ng mga kagamitan at butil upang makapagtanim na muli ang may 7,800 magsasaka.
Sa larangan ng pabahay, itinatayo kungdi man inaayos ang may 20,000 tahanan sa Samar at Leyte. Mayroong 10,000 sa Palo, 7,000 sa Eastern Samar at 3,000 sa Tacloban.
Ang CRS ay may mga tanggapan sa Maynila, Davao, Tagum, Leyte at Eastern Samar. Ang kanilang programa sa pagsasaka ay nakatuon sa pagbubukas ng mga pamilihan para sa mga magsasaka upang higit na kumita at makatulong na kumilala ng mga pamilihang makapagbibigay ng mas magagandang presyo sa mga inani.
Sa peace-building efforts, kabilang ang pagbabawas ng kaguluhan, mapa-angat ang katayuan ng mga Muslim at makatulong sa mga pagtanggap ng iba't ibang pananampalataya.
Ayon sa CRS, umaasa silang makakalikom ng may US$ 50 milyon sa susunod na tatlong taon upang matapos nila ang kanilang mga proyekto sa mga napinsalang pook sa Central Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |